^

PSN Palaro

Pacquiao nag-sorry sa 'di pagsipot sa Palarong Pambansa

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Humingi ng paumanhin si WBO welterweight champion Manny Pacquiao matapos hindi makapunta sa pagbubukas ng Palarong Pambansa ngayong Lunes sa probinsiya ng Laguna.

Nagpadala ng mensahe si Pacquiao kay Eddie Alinea ng Philboxing.com kung saan siya humingi ng paumanhin sa mga organizers ng Palaro kabilang si Laguna Gov. E.R. Ejercito.

Sinabi ni Pacquiao na kailangan niya munang asikasuhin ang bagong panganak nilang anak ni Jinkee na naka-incubator hanggang ngayon.

“Humihingi ako ng paumanhin kay Gov. E.R., sa lahat ng opisyal ng Palaro, iba pang panauhin, lalong lalo na sa mga atleta na alam kong maghihintgay sa pagdating ko upang gampanan ang papel ng dapat kong gampanan sa Palaro,” wika ni Pacquiao.

Kasama sana ni Pacquiao sa pagbubukas ng Palaro sa Laguna Sports Complex sa Sta. Cruz, Laguna sina dating Pangulo at ngayo'y Manila Mayor Joseph Estrada, Olympic skater Michael Christian Martinez, at basketbolistang sina Jeric and Jeron Teng.

“Bagamat hindi ako makakarating ay sana’y umasa ang lahat ng kinauukulan na ang diwa ko ay kasama nila sa buong linggo ng Palaro, mula sa pagbubukas nito sa Lunes hanggang sa ang kahuli-hulihang event ay maganap,” sabi ng Saranggani representative.

“Panalangin ko po na sanay’ mairaos ang Palaro ng matiwasay at ligtas ang lahat, lalo-lalo na ang mga atleta, sa anumang di kanais-nais na maaring mangyari habang nagpapaligsahan ang gating mga student athletes in the elementary at high school divisions,” dagdag niya.

Iniluwal ni Jinkee ang panlimang anak nila ni Manny nitong Abril 27 pero sinabi ng boksingero na mabuti naman ang kalagayan ng kanilang bagong supling.

“Wala din naman silang dapat ikabahala sa kalagayan ni Baby Israel. Dapat kasi siyang isalalim sa incubator para masigurong malusog siya at malakas...sa kanyang paglabas sa ospital,” banggit ng Filipino boxing icon.

vuukle comment

BABY ISRAEL

EDDIE ALINEA

JERIC AND JERON TENG

JINKEE

LAGUNA GOV

LAGUNA SPORTS COMPLEX

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

PACQUIAO

PALARO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with