^

PSN Palaro

PMMS belles reyna ng Petron volley

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ginamit nina Nao Sa­gawa at Ana Nicole Banas ng Philippine Merchant Marine School ang galing sa pag-serve para talunin sina Aileen Abuel at Regina Tungkol  ng La Salle Dasmariñas sa pagtatapos ng second leg ng 2014 Petron Ladies Beach Volleyball Tournament sa sand-courts sa provincial capitol ng Lingayen.

Naisantabi nina Sagawa at Banas ang pagkatalo sa first set nang gumanda ang kanilang serve game tungo sa 18-21, 21-14,15-11, panalo.

Sina Sagawa at Banas ay nakapasok sa championship round sa ligang suportado ng Provincial Go­vernment ng Pangasi­nan, Governor Amado Es­pino, 2nd district Congressman Leopoldo Bataoil at Mikasa Balls, nang pataubin ang nagdedepensang kampeon na sina Me­lanie Carrera at Juvelyn Castillo ng Pangasinan, 21-14, habang sina Abuel at Tungol ay nanaig kina Abigail Escandor at Regina Alanguilan ng UE, 21-17.

Dalawang aces ang pinakawalan ni Sagawa para manalo ang PMMS sa second set at maikasa ang do-or-die game three.

Balikatan ang nangya­ring labanan at nahawakan pa ng La Salle-Dasma ang 12-11 kalamangan sa placement shot ni Abuel.

Pero naroroon uli si Sagawa na kumana ng drop shot at dalawang aces para ilagay sa unang puwesto ang kanyang koponan.

 

ABIGAIL ESCANDOR

ABUEL

AILEEN ABUEL

ANA NICOLE BANAS

BANAS

CONGRESSMAN LEOPOLDO BATAOIL

GOVERNOR AMADO ES

JUVELYN CASTILLO

SAGAWA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with