San Mig Coffee lumapit sa finals
Laro Bukas
(Smart Araneta Coliseum)
8 p.m. San Mig Coffee vs Air21 (Game 4)
MANILA, Philippines - Isang malaking bagay paÂra sa San Mig Coffee ang hindi paglalaro ni Air21 forward Sean Anthony dahil sa iniindang Achilles heal injury.
Kaya naman hirap na hiÂrap si import Wesley WiÂtherspoon na dalhin sa kanÂyang mga balikat ang ExÂpress.
“Without Anthony there it puts a lot of pressure on Witherspoon to really carry the team,†sabi ni Mixers’ head coach Tim Cone.
Nakahugot ng 18 points kay PJ Simon at 17 marÂkers kay Mark Barroca, tiÂnalo ng San Mig Coffee ang Air21, 84-73, sa Game Three para makalapit sa ikaÂlawang finals berth sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kagabi sa Smart AraÂneÂta Coliseum.
Nagdagdag si import James Mays ng 15 points para sa 2-1 bentahe ng Mixers sa kanilang best-of-five series ng Express.
Maaaring itiklop ng San Mig Coffee ang kanilang seÂmis wars ng Air21 sa Game Four bukas sa Big Dome para makatapat ang Talk ‘N Text sa best-of-five championship series.
Winalis ng Tropang TexÂters ang Rain or Shine ElasÂto Painters, 3-0, sa kaÂnilang semis duel.
“It was a struggle. Coach Franz (Pumaren) did a good job getting us conÂfused. They worked their way through problems but they weren’t able do that toÂnight,†sabi ni Cone.
Kinuha ng Mixers ang isang 13-point lead, 58-45, sa 9:41 minuto ng third quarter bago nakadikit ang Express sa 59-61 agwat sa huling 51.6 segundo.
Sa nasabing yugto ay umiskor ang 6-foot-9 at 40-anyos na si Asi Taulava ng 11 points para sa Air21.
Pumukol si Mark Barroca ng isang three-point shot para muling ilayo ang San Mig Coffee sa 64-59 patungo sa paglilista ng 78-65 bentahe sa huling 4:41 minuto ng final canto.
San Mig Coffee 84 - SiÂmon 18, Barroca 17, Mays 15, Devance 9, Pingris 7, Melton 6, Yap 6, Reavis 4, Sangalang 2, De Ocampo 0, Gaco 0, MalÂlari 0.
Air21 73 - Taulava 21, Witherspoon 19, Ramos 10, Yeo 6, Burtscher 5, Cardona 4, Borboran 3, Poligrates 3, Villanueva 2, Jaime 0, Menor 0, Atkins 0.
Quarterscores: 24-15; 49-40; 64-59; 84-73.
- Latest