Generika at Air Asia paparada sa Super Liga
MANILA, Philippines - Dalawang bagong koÂpoÂnan sa men’s at woÂmen’s division ang itatampok para sa ikalawang season ng Philippine Superliga na magbubukas sa Mayo 16 sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Ang two-conference champion na Philippine ArÂmy ay kikilalanin na bilang Generika Drugstore, haÂbang ipaparada ng Air Asia ni Mikee Romero ang mga La Salle Lady SpiÂkers sa pangunguna ni Aby MaÂraño.
“The Philippine SuperliÂga now stands on a more soÂlid ground after two highly successful conferences last year,†sabi ni PSL president Ramon ‘Tats’ Suzara.
“We have two new teams in the women’s division and another two new teams in the men’s side, just as we planned the growth of the league. Little but sure steps,†dagdag pa nito.
Ang All-Filipino ConfeÂrence ay papalitan ng InÂvitational Tournament, piÂnagreynahan ng TMS-Philippine Army noong naÂkaÂraang taon.
Ang invitational event, nagtampok lamang sa mga women players, ay isang eksÂperimento ng nag-oorÂgaÂnisang Sportscore para sukatin ang pagtanggap ng mga Filipino fans sa isang club competition.
Ang Generika Drugstore ang magdadala sa kuÂlay ng Lady Troopers na nagkampeon sa Invitational at Grand Prix noong nakaraang taon.
Hangad naman ng Air Asia, babanderahan ng mga La Salle Lady Spikers na gustong makabawi sa kaÂnilang kabiguan sa nakaÂraang University Athletic Association of the Philippines Finals na inangkin ng Ateneo Lady Eagles, na lumaban para sa korona.
Ang Cignal ay ikinukunÂsidera pa ring top contenÂder matapos pumangalawa sa Army sa Invitational at Grand Prix tournaments.
Itatampok naman ng Petron si Din-Din Santiago katapat ang PLDT MyDSL, RC Cola at Cagayan ProÂvince.
Masusukat ang kakaÂyahan ng men’s Grand Prix champion na PLDT MyDSL laban sa Cignal at Instituto Estetica Manila.
Ang Systema ang ikaÂapat na men’s team na siÂÂnasabi ring maaaring maÂÂging title contender.
- Latest