^

PSN Palaro

Thunder, Pacers at Warriors pumuwersa ng Game 7

Pilipino Star Ngayon

MEMPHIS -- Nagposte si Kevin Durant ng 36 points para tulungan ang Oklaho­ma City Thunder sa 104-84 paggiba sa Grizzlies at itabla sa 3-3 ang ka­nilang first-round playoff series.

“We needed to win this game,’’ sabi ni Durant. ‘’That’s more motivation than anything, so our team responded. We’ve got to do an even better job in Game 7.’’

Nagdagdag si Russell Westbrook ng 25 points pa­ra sa Thunder, hindi pa na­sisibak sa first round ng playoffs sapul noong 2010.

Dinomina ng Thunder ang laro kung saan kaagad umiskor si Durant ng 14 points sa first quarter at ini­wanan ang Grizzlies ng 15 points sa halftime.

At mula doon ay hindi na nilingon pa ng Oklaho­ma City ang Memphis sa second half.

Naglista si Reggie Jackson ng 16 points mula sa bench para sa Thunder na pamamahalaan ang Game 7 sa Sabado.

Sa Atlanta, umiskor si David West ng 24 mar­kers para pagbidahan ang In­diana Pacers sa 95-88 pa­nalo kontra sa Hawks at itabla sa 3-3 ang kanilang serye.

Pinangunahan ni West ang isang 16-4 atake sa fourth quarter patungo sa kanilang tagumpay.

Matapos kunin ng Hawks ang 84-79 abante sa huling 3 minuto sa laro ay kumamada si West ng apat na sunod na puntos at pu­muwersa ng ilang turnovers para sa pagbangon ng Pacers.

Ang kanyang dalawang baskets sa huling minuto ang sumelyo sa panalo ng Indiana.

Nagtala si Paul George ng 24 points para sa Pa­cers.

Sa Oakland, California, naglista si Stephen Curry ng 24 points at 9 assists pa­ra tulungan ang Golden State Warriors sa 100-99 pag­­takas kontra sa Los An­geles Clippers para ipilit ang Game 7.

Nagposte si Andre Iguodala ng 15 points, samantalang tumapos si Draymond Green na may 14 points at 14 rebounds para sa War­­riors.

ANDRE IGUODALA

CITY THUNDER

DAVID WEST

DRAYMOND GREEN

GOLDEN STATE WARRIORS

KEVIN DURANT

LOS AN

POINTS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with