Mayweather magreretiro na?
MANILA, Philippines - Kung itutuloy ni Floyd Mayweather, Jr. ang kanyang binabalak ay tila wala na talagang pag-asang magÂkaharap sila ni Manny Pacquiao.
Sa isang press confeÂrence ay nagparamdam ang 37-anyos na si Mayweather, nagdadala ng malinis na 45-0-0 win-loss-draw ring record kasama ang 26 knockouts, ng pagreretiro maÂtapos ang kanilang world welÂterweight unification match ni Marcos Maidana (34-3-0, 31 KOs) sa Linggo sa MGM Grand sa Las VeÂgas, Nevada.
“I’m not really worried about going 50-0,†sabi niya sa mga reporters. “I’m being honest - I be contemplating everyday ... getting out of the sport now. I’m very comforÂtable. Very comfortable.â€
Tatlong beses bumagsak ang negosasyon para sa Pacquiao-Mayweather super fight.
At kung magiging pinal ang desisyon ng American five-division titlist ay hindi na kailanman maitatakda ang kanilang banggaan ng FiÂlipino world eight-division champion na si Pacquiao.
Sa kanyang laban sa Linggo ay tatanggap si Mayweather ng guaranteed purse na $32 milyon, habang tatanggap si Maidana ng $1.5 milyon.
“If I choose to walk away then I walk away,†ani Mayweather. “It’s just me being a human being. If I feel like walking away then I’m walÂking away.â€
Nauna nang sinabi ni MayÂweather na lalabanan laÂmang niya ang 35-anyos na si Pacquiao kapag wala na ito sa poder ng Top Rank ProÂmotions ni Bob Arum.
Wala pang naitatakdang laban si Pacquiao matapos resbakan si Timothy Bradley, Jr. noong Abril 14.
- Latest