Giniba ang Waves, Giants nagpalakas para sa outright semis
MANILA, Philippines - Gumana ang mga reserves ng Jumbo Plastic Giants para kunin ang ikalimang panalo sa pitong laro sa 71-56 pangingiÂbabaw sa Boracay Rum Waves sa PBA D-League Foundation Cup kahapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Si Jeff Viernes ang naÂnguna sa mga manlalaro mula sa bench sa kanyang 15 puntos at ang tatlong pinakawalang tres sa huling yugto ang siyang nagbaon sa Waves, 65-50.
Ang 6’6 center na si Jason Ballesteros ay may 12 puntos at 10 rebounds haÂbang sina Lee Villamor, Jerick Canada, Michael Parala at Jan Colina ay nagsanib sa 33 puntos.
Si Chris Banchero lamang ang nasa double-digits para sa Waves sa kanyang 11 puntos sa 4-of-11 shooting at ang Waves ay bumaba sa 3-4 karta.
Nabiyayaan pa ang Giants ng pagkapanalo ng Hog’s Breath Café Razorbacks sa dating nagsosolo sa ikalawang puwesto na Cebuana Lhuillier, 85-72, sa ikalawang laro.
May 21 puntos si JP Belencion habang nagsama sa 25 puntos sina Kevin Racal at Jamil Gabawan at tinapos ng Razorbacks ang dalawang dikit na pagkatalo upang umakyat sa 2-5 baraha.
Nakita ng Gems na natapos ang limang sunod na panalo at ininda nila ang pagkakaroon lamang ng 36% shooting (24-of-67) para makasalo uli ang Giants.
Ang mangungunang dalawang koponan matapos ang elimination round ang siyang aabante na sa semifinals at magiging mahalaga ang resulta ng huling dalawang laro ng Giants at Gems para sa ikalawang outright semifinals slot. (AT)
- Latest