Galedo handa na sa Asiad
MANILA, Philippines - Bukod kay Fil-Am BMX rider Daniel Caluag ay puwede ring asahan kung paghahatid ng gintong medalya sa Asian Games si Mark Galedo.
Si Galedo ay sariwa sa pagkapanalo sa Le Tour upang maging paÂngalawa pa lamang na siklista ng bansa na nanalo sa isang UCI sanctioned race.
Ang panalo niya ay nagselyo sa kanyang haÂngarin na patunayan na siya ang numero unong siklista sa road race para suportahan ang gintong medalya na nakuha sa 2013 Myanmar SEA Games.
“Noong nanalo ako ng ginto sa SEA Games ay kasama na dapat ako sa Asian Games. Pero may nagsabi na qualifying race ang Le Tour kaya talagang nagsikap ako para mapatunayan ko sa lahat na ako ang number one,†ani Galedo na dumalo sa PSA Forum sa Shakey’s Malate.
Mabibigat na siklista mula sa Asian countries ang makakalaban niya sa Asian Games pero buo ang loob niya na harapin ang bagong hamon na ito.
Ang nakuhang karanaÂsan sa LTDF ang siya niÂyang magagamit para makuha ang hinahanap na tagumpay.
Si Caluag ang siyang tinutukoy ng mga sports officials ng bansa na sure gold sa cycling base sa pagiging natatanging BMX rider mula sa Asya na nakalaro sa 2012 London Games.
Kung kakapit pa ang suwerte, malamang na ang ikalawang ginto sa cycling ay maihatid ni Galedo na inaasahang sasamahan sa team nina George Oconer at Ronald Oranza. (ATan)
- Latest