Semis slot nakataya sa pagbabalik ng Palawan cagefest sa Puerto Princesa
PUERTO Princesa , Philippines --Pag-aagawan ang mga tiket para sa Final Four sa dalawang age group braÂckets ang nakataya sa pagbabalik ng Palawan Basketball Association (PaBA) dito.
Ang PaBA, isang joint project ng Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC) at ng Coral Bay Nickel Corporation (CBNC), ay nilahukan ng 13 koponan para sa mga korona ng 23-and-under (juniors) at 24-and-above (seniors) age groups.
Ang dalawang manaÂnalong koponan ay bibigyan ng 2-classroom school building na nagkakahalaga ng P1 milyon para sa kanilang LGU bukod pa sa cash prizes na ibibigay sa mga players.
Ang dalawang runner-up ay tatanggap ng 1-classroom school na nagkakaÂhaÂlaga ng P500,000 at cash prizes.
Ang Aborlan, Bataraza, Brooke’s Point, El Nido, RoÂxas, Taytay, Quezon, Rizal at San Vicente ay kinakataÂwan ng isang koponan bawat age bracket, habang ang Palawan City ay may tatlo kada age group.
Ang mga LGU-based teams ay hinati sa tatlong conferences kung saan ang El Nido, Roxas, San ViÂcente at Taytay ang buÂbuo sa North Conference; ang Aborlan at ang tatlong koponan sa Puerto PrinÂcesa ay kabilang sa Central Conference.
Ang LGU teams mula sa Bataraza, Brooke’s Point, Narra, Quezon at RiÂzal ay nasa Southern Conference.
- Latest