PNP pinosasan ang LGU
MANILA, Philippines - si Olan Omiping para paÂngunahan ang PNP ResÂponders sa 102-72 pagdurog sa LGU Vanguards sa UNTV Cup Season 2 noong Linggo sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Naghatid pa si Julis Criste ng 13 puntos at limang assists para sa ResÂponders na tinapos ang laro sa first half pa lamang matapos hawakan ang 27 puntos kalamangan tungo sa ikaanim na sunod na paÂnalo.
Hindi naman nagpahuli ang nagdedepensang Judiciary at AFP nang talunin ang mga nakaharap upang manatiling magkasalo sa ikalawang puwesto.
Hindi naglaro para sa Magis si Don Camaso pero ang puwesto ay napunuan ni Frederick Salamat na gumawa ng 15 puntos upang makatuwang nina Ariel Capus at John Hall sa 83-75 panalo laban sa Malacañang Patriots
Si Capus ay may all-around output na 24 puntos, 8 rebounds, 6 assists at 2 steals habang si Hall ay naghatid pa ng 23 puntos.
Ang kabiguan ng Patriots ay nagtulak sa kanila para bumaba sa ikaapat na puwesto sa 4-2 baraha.
May 22 puntos at 9 assists si Alvin Zuñiga at ang Cavaliers ay nagwagi sa Senate Defenders, 101-82.
Isinantabi ng AFP ang 30 puntos ni dating PBA MVP Kenneth Duremdes bunga ng mas magandang pagtutulungan at tumibay ang habol sa puwesto sa susunod na round.
- Latest