Walk A Mile para sa Asiad kasado na
MANILA, Philippines - Isang Walk A Mile ang gaÂgawin ng Philippine Sports ComÂmission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) sa Mayo 11 para ipaalam sa sambayaÂnan ang isasagawang 17th Asian Games sa Incheon, South Korea.
Sina PSC chairman RiÂcardo Garcia at POC president Jose Cojuangco Jr. ang siyang mangunguÂna sa kanilang hanay at saÂsamaÂhan sila ng mga bisitang opisÂyales mula Olympic Council of Asia (OCA) at Incheon Asian Games Organizing Committee (IAGOC) sa nasabing kaganapan.
Hinihingi ng IAGOC ang suporta ng lahat ng kasaling bansa na palakasin ang interes sa Asiad sa pagdaraos ng mga kaganapan sa kanilang bansa.
“As one of the compeÂting nation, we are supporÂting the efforts of IAGOC at create awareness for the Games with the holding of the Walk A Mile,†wika ni Garcia.
Magsisimula ang pagÂlalakad sa 1.6-kilometro sa Aristocrat at magtatapos ito sa Rizal Monument sa Luneta Park.
Ang mga kasapi ng Pambansang koponan, mga opisyales ng iba’t ibang National Sports Associations (NSAs) at mga differently-abled athletes ay inaasahang magÂbibigay ng kanilang suporta.
Sinabi naman ni PSC Program Director Dr. Lauro Domingo Jr. na katuwang si Norberto Dinglasan na may hawak sa proyekto na ang IAGOC ay magdadala ng 800 sumbrero at mga t-shirts para ipamigay sa mga sasama sa paglakad.
Ang Pilipinas ay may 133 atleta na para sa Pambansang delegasyon na ilalaban sa Asian Games na gagawin mula Setyembre 19 hanggang Oktubre 4 at hanap ng koponan na mahigitan ang tatlong ginto, apat na pilak at siyam na bronze medals na napanalunan noong 2010 Games sa Guangzhou, China.
- Latest