Magis, Responders pupuntirya ng panalo
MANILA, Philippines - Ikalawang sunod na panalo ang balak kunin ng nagdedepensang kampeon Judiciary Magis at PNP Responders sa pagpapatuloy ng UNTV Cup Season 2 ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Kalaban ng Magis ang Malacañang Patriots sa huling laro alas-5 ng hapon.
Mauunang sumalang ang Responders kontra sa LGU Vanguards sa ikaÂlawang laro na magsisiÂmula matapos ang unang bakbakan sa hanay ng Senate Defenders at AFP Cavaliers sa alas-2.
Paborito ang Magis at Responders na siyang nagÂkita sa titulo sa unang edisyon matapos ang maÂgandang panalo.
Dinurog ng PNP ang MMDA Black Wolves, 75-61, nang nag-init sina Olan Omiping at Julius Criste.
Gagawin ng Vanguards na manaig sa labang ito sa pagtutulungan ng mga gunners na sina Ervic Vijandre at Francis Adriano.
Ang husay nina Don Camaso, Ariel Capus at John Hall ang mga magdadala sa Magis matapos ang mga ito ay magsanib sa 74 puntos sa huling laro.
- Latest