Bulls, Rockets humirit ng isa: Nets iniwan ang Raptors, 2-1
NEW YORK--KumaÂmada si Joe Johnson ng 29 points at pinalakas nina Pierce at Garnett ang loob ng Brooklyn Nets para payukurin ang Toronto Raptors, 102-98, at kunin ang 2-1 kalamangan sa kanilang first-round series.
Naikonekta ni Johnson ang dalawang free throws sa huling 3.1 segundo at muntik nang maibasura ang itinayong 15-point, fourth-quarter lead laban sa Raptors.
Nagdagdag si Derrick Williams ng 22 points at 8 assists para sa sixth-seeded na Brooklyn, habang nagtala si Pierce ng 18 points at nakatulong si Garnett sa arangkada ng Nets sa second quarter.
Kumamada naman si DeMar DeRozan ng 30 points para sa Raptors, naipatalo ang 13 sunod na road playoff games.
Nagdagdag si Patrick Patterson ng 17 points ngunit naimintis ang dalawang free throws na nagtabla sana sa Toronto, saÂmantalang tumapos si Kyle Lowry na may 15 points.
Sa Portland, nagsalpak si rookie Troy Daniels ng isang 3-pointer sa huling 11.9 segundo para itakas ang Houston Rockets sa 121-116 overtime victory laban sa Trail Blazers at makadikit sa 1-2 sa kanilang serye.
Naglista si James Harden ng career playoff-best 37 points at kumolekta si Dwight Howard ng 24 points at 14 rebounds para sa Rockets.
Sa Washington, umiskor si Mike Dunleavy ng 35 points at isinalpak niJimmy Butler ang isang go-ahead 3-pointer sa huling 24 segundo para ihatid ang ChiÂcago Bulls sa 100-97 tagumpay kontra sa Wizards.
Ang panalo ay naglapit sa Bulls sa 1-2 pangunguna ng Wizards sa kanilang serye.
Nagposte si Dunleavy ng 12 for 19 fieldgoal shooÂting, kasama rito ang career-high na walong 3-pointers.
- Latest