Matapos angkinin ang korona ng 2014 Le Tour de Filipinas ginto sa Asian Games target ni Galedo
BAGUIO CITY, Philippines - -- Matapos ang kanyang tagumpay sa katatapos lamang na Le Tour de Filipinas ay hangad naman ni Mark Galedo ng 7-Eleven Roadbike continental team na makapagbigay pa ng karangalan para sa bansa.
Inaasahang wala nang kukuwestiyon sa pagkakasama ni Galedo, ang gold medalist sa men’s 50K ITT event noong 2013 Southeast Asian Games sa Myanmar, para sa National team na sasabak sa darating na 2014 Asian Games sa Korea matapos ang kanyang panalo.
Tinalo ng 28-gulang na si Galedo ang mga dayuhan at kapwa Pinoy riders sa UCI sanctioned Class 2.2 race na itinalaga ng PhilCycling officials bilang isa sa qualifying events para sa Phil team na ilalahok sa Asiad gayundin sa Asian Championships.
“Isa rin iyan sa iniisip ko rito sa Le Tour kasi bago pa man mag-umpisa ang karera sinabi na nila na isa ito sa sinisilip nila para piliin ang Filipino riders na pupunta,†sabi ni Galedo na naibaon na sa limot ang kanyang pagkaunsiyami sa nakaraang 14-stage local tour na sinalihan.
Matapos ang pagkarera ni Galedo sa international cycling race na Le Tour ay nakaipon siya ng kabuuang 53 points sa kanyang individual general classification title, panalo sa Stage 2 at runner-up finish sa Stage 4 na mag-aangat sa kanya sa UCI rankings.
“Napakalaking bagay ito para sa kanya, sa team at sa bansa because this will bring us up in the leaderboard,†sabi ni 7-Eleven team director Ric Rodriguez na siyang naging acting coach ng koponan. “He’ll now be in the Top 30 or 50 in UCI Asian ranking because of this.â€
Tangka ni Galedo na masundan ang kanyang panalo sa Le Tour sa kanyang pagdedepensa ng titulo sa Pedal to the Meadow sa Hawaii sa susunod na buwan.
Pangungunahan naman niya ang Roadbike sa pagÂkampanya sa nine-stage Tour de Singkarak sa Hunyo.
- Latest