Literatus patuloy ang pamamayagpag sa age-group chess
San Antonio, Quezon, Philippines - -- Patuloy ang mainit na paglalaro ni Palarong Pambansa gold medalist FM Austin Jacob Literatus ng DaÂvao City sa boys’ 20 years old and under cateÂgory sa 2014 National Age-Group Chess Championship Grand Finals sa Leachar Resort at Leisure Park.
Tumabla si Literatus kay top seed na si FM Paulo Bersamina sa fifth round at nanaig laban kay JefferÂson Manzanero sa sixth round upang patatagin ang paghawak sa liderato sa kanyang 5.0 points sa event na itinataguyod ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) sa pakikipagtulungan sa MuÂnicipal Government ng San Antonio, Quezon sa paÂngunguna nina Mayor Erick M. Wagan at Vice MaÂyor Jay S. Vesuño.
Ang multi-titled campaigner mula National UniÂversity ay lamang ng kaÂlahating puntos kina Bersamina at Marc Christian Nazario.
Tinalo ni Bersamina si Virgen Ruaya, habang wiÂnalis ni Nazario si Justin Lita sa nasabing round.
Samantala, binigo ni WFM Janelle Mae Frayna si Enrica Villa at pinayukod naman ni WFM Marie AnÂtoinette San Diego si LuÂcele Bermundo para maÂkasalo sa liderato si UAAP MVP WFM Jan Jodilyn Fronda na may 3.5 points sa five rounds.
Nanalo rin si Jerad DoÂcena ng Tagbilaran CiÂty laÂban kina Baltazar RaÂfael at Aljie Cantonos upang manatili sa itaas sa kanyang 6.0 points sa boys 18-under, habang binigo ni Michelle Yaon kay Frances Dianne Surposa para sa kanÂyang 5.0 points sa girls 18 under.
- Latest