GTK kinikilala pa rin ng IAAF at AAA bilang PATAFA chief
MANILA, Philippines - Hindi inaalis ng international body na IAAF at AAA ang kanilang rekognisyon kay PATAFA president Go Teng Kok.
Ito ang nilalaman ng koÂmunikasyon galing kay Maurice Nicholas, ang secretaÂry general ng AAA sa kanyang email sa PATAFA.
Gumawa ng paglilinaw ang IF matapos ipaalam ng Philippine Olympic ComÂmitÂtee sa kanila ang ginaÂwang pagpapatalsik kay Go bilang kasapi ng POC.
Matatandaan na idiÂneklara ng POC si Go bilang persona non grata daÂhilan upang hindi na ito naÂkakadalo sa mga aktibidades ng POC.
Ayon kay Nicholas, waÂlang epekto sa IAAF at AAA ang ginawang ito ng POC daÂhil sa mata nila ay si Go pa rin ang kanilang miÂyembro.
Kinuwestiyon ni Go ang aksyon ng POC dahil hindi siya binigyan ng due process at agad na idineklara biÂlang persona non grata.
Dumulog si Go sa korÂte at ang desisyon ay puÂmaÂbor sa kanya.
Hindi ito sinunod ng POC dahil itinuturing niÂla itong isang court inÂterÂvention.
- Latest