Julaton gagamitin ang karanasan sa boxing para talunin si Saber
MANILA, Philippines - Sasandalan ni Fil-Am Ana Julaton ang kanyang husay sa pagbo-boxing para talunin si Egyptian kickboxing champion Aya Saeid Saber sa debut nito sa One Fighting Championship sa Mayo 2 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Isang dating WBO at IBA women’s super bantamweight champion si Julaton at ang malawak na karanasan sa boxing ang nakikita niya na makakatulong para maipanalo ang kanyang laban sa mixed martial arts.
Mas beterano si Saber dahil may limang laban na siya sa MMA at may dalawang panalo mula pa noong 2012 ngunit handa si Julaton na harapin ang bagong hamon.
Ipakikita pa nga ni Julaton ang angking kondisyon ng pangangatawan sa isasagawang open workout sa Martes sa ganap na alas-2 ng hapon sa World Muay Thai Team USA sa 4008 Yague St., cor. Chino Roces, Makati City.
Side event ang tagisan nina Julaton at Saber dahil ang main fight ay sa hanay nina Bibiano Fernandes ng Brazil at Masakatsu Ueda ng Japan para sa world bantamweight title.
Nasa card din sina Eduard Folayang, Jujeath Nagaowa, Rey Docyogen at Eugene Toquero na susuÂkatin ang mga dayuhang katunggali.
- Latest