Heat, Blazers naka-2 na; Mavericks pumantay sa Spurs
MIAMI--Umiskor si LeBron James ng 32 points at 8 assists, habang nagdagdag ng 20 markers si Chris Bosh para igiya ang Heat sa 101-97 panalo kontra sa Charlotte Bobcats at ibulsa ang 2-0 kalamangan sa kanilang Eastern Conference first-round series.
Nag-ambag si Dwyane Wade ng 15 points at may isang steal sa huling mga segundo para selyuhan ang panalo ng Miami.
Inagaw ni Wade ang bola kay Chris Douglas-Roberts ng Charlotte na hangad makatabla mula sa three-point deficit sa huling tatlong segundo.
Nakatakda ang Game 3 sa Sabado sa Charlotte.
Ang Heat ang tanging higher-seed team na nagposte ng dalawang panalo sa playoffs sa kanilang tahanan.
Umiskor naman si Michael Kidd-Gilchrist ng 22 points para sa Bobcats, nakakuha ng 18 points at 13 re-bounds kay Al Jefferson na naglaro ng may left plantar fascia strain.
Sa Houston, kumamada si LaMarcus Aldridge ng 43 points para tulungan ang Portland Trail Blazers sa 112-105 pananaig sa Rockets at kunin ang 2-0 abante sa kanilang serye.
Si Aldridge ang naging unang player na umiskor ng magkasunod na 43 points sa playoffs matapos si Tracy McGrady noong Abril 2003 na kumamada ng career-high at franchise playoff-record na 46 markers sa kanilang overtime win sa Game 1.
Sa San Antonio, nagposte ang eighth-seeded na Dallas Mavericks ng 113-92 panalo laban sa San Antonio Spurs para itabla sa 1-1 ang kanilang serye.
Umiskor si Monta Ellis ng 21 points kasunod ang 20 ni Shawn Marion at 18 ni Devin Harris.
Nag-ambag naman si Dirk Nowitzki ng 16, markers at may 12 si Jose Calderon para sa Dallas na hindi na nilingon pa ang San Antonio sa pagbubukas ng second quarter.
Pinangunahan ni Manu Ginobili ang Spurs sa kanyang 27 points, habang may 12 si Tony Parker at 11 si Tim Duncan.
- Latest