^

PSN Palaro

Lady Eagles makikisosyo sa unahan kontra Navigators

Pilipino Star Ngayon

Sweep pakay ng Lady Bulldogs vs Agilas

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

2 p.m. National U vs Davao

4 p.m. Ateneo vs St. Louis U  

MANILA, Philippines - Makikita ang tunay na lakas ng nanggugulat na Davao Lady Agilas sa pagbangga sa nagdedepensang kampeon National University Lady Bulldogs sa Shakey’s V-League Season 11 First Confe­rence ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Dalawang sunod na panalo laban sa mga palabang koponan na FEU Lady Tamaraws at Perpe­tual Help Lady Altas ang nadagit ng Lady Agilas para mamuro sa pagpasok sa quarterfinals sa Group B  sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.

Isa pang panalo laban sa Lady Bulldogs sa ganap na alas-2 ng hapon ang magbibigay na ng puwesto sa susunod na round sa Davao selection na nasali sa ligang may ayuda pa ng Mikasa, Accel at Lion Tiger Mosquito Coil.

Sa laro laban sa NCAA champion Lady Altas nakita ang determinasyon ng Lady Agilas nang manaig sila sa limang mahigpitang sets.

Kakailanganin ang ma­tatag pang paglalaro mula kina May Agton at Venus Flores dahil ang NU ay magbabalak na walisin ang Group B.

Ang magkapatid na sina Dindin at Jaja Santiago ang magtutulong kasama sina Carmin Aganon, Aiko Urdas at Myla Pablo tungo sa paghablot ng 5-0 karta.

Kakalas naman ang UAAP champion Ateneo Lady Eagles sa pakikisalo sa Adamson Lady Falcons sa ikalawang puwesto sa Group A sa paggapi sa talsik ng St. Louis U Lady Navigators dakong alas-4 ng hapon.

May 3-1 karta ang Ate­neo at Adamson at ang makukuhang panalo ng una sa Lady Navigators ang magtutulak sa kopo­nan upang makasalo ang nangungunang Arellano Lady Chiefs sa 4-1 baraha.

Ang Adamson ay puwede pang makatabla sa 4-1 kung manalo ito sa St. Benilde Lady Blazers sa huling laro sa Linggo. Kung mangyari ito ay gagamitan ng tie-break para madetermina ang pinal na puwestuhan ng mga koponan.

Kumpleto na ang mga maglalaro sa quarterfinals sa Group A dahil ang St. Louis U at Southwestern University Lady Cobras ay talsik na sa liga.

 (ATan)

vuukle comment

ADAMSON LADY FALCONS

AIKO URDAS

GROUP A

GROUP B

LADY

LADY AGILAS

LADY BULLDOGS

SAN JUAN CITY

ST. LOUIS U

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with