Bersamina, Nazario, Frayna nagparamdam agad
SAN ANTONIO, Quezon, Philippines--Tinalo nina FM Paulo Bersamina ng Pasay City at Marc Christian Nazario ng Quezon City ang kanilang mga karibal sa boys 20 years old and under category sa pagsisimula ng Grand Finals ng National Age-Group chess championships sa Leachar Resort and Leisure Park.
Binigo ni Bersamina si Clark Kent Anabieza ng Panabo City sa 52 moves ng Sicilian, habang tinalo ni Nazario si John Gerald Acedo ng Davao City sa 71 moves ng Pirc sa torneong inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) at pinamamahalaan ng San Antonio municipal government.
Sa girls division, pinayukod ni Janelle Mae Frayna ng Legaspi City si Ynna Sophia Canape ng Marikina City sa 38 moves ng French defense.
Umiskor din ng kanilang mga panalo sina Mark James Bacojo ng Pasig City, Robert James Perez ng Lipa City at Dwayne Pahaganas ng Escalante City sa boys 8 under; at sina Arainne Pearl Caalim at Candace Fae Caalim ng Naga City, Ruelle Canino ng Cagayan de Oro City, Precious Day Yecla ng Kalibo, Aklan, Casey Manlosa ng San Fernando, Cebu at Florence Gayle Isabedra ng San Antonio, Quezon.
Pinamunuan nina San Antonio Mayor Erick M. Wagan, NCFP president/chairman Prospero “Butch†Pichay, Asia’s first GM Eugene Torre, NCFP treasurer Red Dumuk at NCFP executive director GM Jayson Gonzales ang pagbubukas ng torneo.
Higit sa190 partisipante ang tinanggap ni San Antonio Vice Mayor Jay S. Vesuno sa opening ceremony.
- Latest