^

PSN Palaro

Broner gustong makalaban si Pacman

ACordero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Gustong tiyakin ni American Adrien Broner na malalagay sa unahan ang kanyang pangalan sa listahan ng susunod na lalabanan ni Manny Pacquiao.

Dinadala ni Broner, nagwagi ng mga world titles sa super-featherweight, lightweight at welterweight class, ang record na 27 wins at 1 loss.

Ang 24-anyos na tubong Cincinnati, matalik na kaibigan ni Floyd Mayweather Jr., ay may 22 knockout victories kung saan ang siyam dito ay hindi lumampas sa three rounds.

Nalasap ni Broner ang kanyang unang kabiguan kay Marcos Maidana noong Disyembre.

Ngunit imbes na gamitin ang nakalagay na rematch clause ay binigyan niya si Maidana ng pagkakataong labanan si Mayweather sa Mayo 3.

Sa undercard ng natu­rang laban ay lalabanan ni Broner si Carlos Molina.

At sakaling tinalo niya si Molina ay plano naman niyang hamunin si Pacquiao.

“I’d fight him (Pacquiao) at any weight,” sabi ni Bro-ner, isang occasional rapper, sa panayam ng Bo­xingscene.com.

Halos anim na taon nang lumalaban si Pacquiao bilang welterweight at iniisip nang bumaba ng timbang sa kanyang susunod na laban.

Sinabi ni trainer Freddie Roach na kung hindi na makapagpabagsak si Pacquiao ng kalaban sa 147 pounds sapul noong 2009 ay maari na siyang bumaba sa 140.

Ayon naman kay Broner, handa siyang labanan si Pacquiao sa anumang weight class.

“If I could make 115 to fight Pacquiao I will do it,” wika ni Broner.

AMERICAN ADRIEN BRONER

BRONER

CARLOS MOLINA

FLOYD MAYWEATHER JR.

FREDDIE ROACH

IF I

MARCOS MAIDANA

PACQUIAO

PACQUIAO I

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with