Pacquiao bibisita sa Palasyo mamaya
MANILA, Philippines – Nakatakdang makipagkita ang pinakabagong WBO welterweight champion na si Manny Pacquiao kay Pangulong Benigno Aquino III ngayong Lunes sa Malacañang.
Tutungo sa Palasyo si Pacquiao mamayang hapon para sa isang courtesy call matapos daigin ang noo'y wala pang talong si Timothy Bradley nitong nakaraang linggo.
Magtatago ang Sarangani representative at ang Pangulo ganap na ala-1 ng hapon sa Music Room ng Malacańang.
Kaugnay na balita: Pacquiao nakabalik na ng Pinas
Nitong Biyernes lamang nakabalik ng bansa ang eight-division champion matapos ang kanyang laban nila ni Bradley sa Las Vegas Nevada.
Nanalo si Pacquiao sa isang unanimous decision upang makabawi mula sa kontrobersyal na talo niya kay Bradley noong una silang magsalpukan halos dalawang taon na ang nakararaan.
Sinabi ng Palasyo na isang simbolo si Pacquiao ng muling pagbangon mula sa mga nagdaang krisis ng bansa nitong nakaraang taon.
- Latest