^

PSN Palaro

Sy, Hamero ‘di sisibakin ni Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hiniling ni PATAFA pre­sident Go Teng Kok sa mga kritiko na tigilan na ang pamemersonal at sa halip ay tingnan ang mga bu­ting kanilang naiaambag sa larangan ng palakasan.

“The Philippine Amateur Track and Field Association (PATAFA) has been one of the most hardwor­king sports association in the country. We credit our athletes and coaches for their combined effort to give the country honors in international competitions,” wika ni Go.

Ang pahayag na ito ay ginawa matapos manindigan na hindi niya bibitiwan ang mga national coaches na sina Joseph Sy at Roselyn Hamero.

Sina Sy at Hamero ay sinibak sa mga coaches na tumatanggap ng sahod sa Philippine Sports Commission (PSC) matapos akusahan na hindi naibibigay ang lahat ng oras sa Pambansang koponan na binitiwan ni Commissioner Jolly Gomez.

Si Sy ay pinagbawalan din ng PSC sa liderato ni chairman Ricardo Garcia, na tumapak sa mga pasilidad na pinamamahalaan ng ahensya, matapos ma­patunayan na hawak nito ang mga  ATMs ng at­leta na may utang sa kanya.

Inamin ni Go na mala­king epekto ang desisyon na panatilihin ang estado nina Sy at Hamero dahil ang NSA ang siyang sa­sagot sa kanilang buwanang sahod na nasa P20,000.00 bawat isa.

Pero nararapat lamang nila itong gawin dahil ang dalawa ang tunay na naka­tulong sa mga tagumpay na naitala ng athletics team sa malalaking kompetisyon sa labas ng bansa.

Umani ng anim na ginto ang inilabang delegasyon ng PATAFA sa Myanmar SEA Games para lumabas bilang pinakaproduktibong NSA sa hanay ng mga sumali. (AT)

COMMISSIONER JOLLY GOMEZ

GO TENG KOK

HAMERO

JOSEPH SY

PHILIPPINE AMATEUR TRACK AND FIELD ASSOCIATION

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

RICARDO GARCIA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with