Tinalo ang lebanon sa AMCC Power Pinoys sumampa sa 7TH
MANILA, Philippines - Hindi nasayang ang lahat ng pagsasanay at panahon na ibinigay sa PLDT TVolution Power Pinoys nang gulatin nila ang Al-Zahra Al-Mina ng Lebanon at angkinin ang ikapitong puwesto sa pagtatapos kahapon ng Asian Men’s Club Volleyball Championship na handog ng PLDT Home Fibr sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Lumabas uli ang tapang ni Alnakran Abdilla at Cedric Legrand na gumawa ng 25 at 12 puntos, habang naipakita ni Jeffrey Malabanan ang tibay ng dibdib sa mahalagang yugto ng deciding set upang maisantabi ng Pilipinas ang pagkawala ng 2-0 abante sa 25-19,26-24, 13-25, 21-25, 15-13, panalo.
“I’m very proud of this team. The win is beyond expectation at nanalo kami dahil nag-function lahat, the mind, the heart and the body,†ani Power Pinoys coach Francis Vicente.
Hindi pinaglaro ng LeÂbanese team ang mahusay na si Bruno Furtado dahil may lagnat ito at kinailaÂngan nila ng dalawang sets para makapag-adjust.
Pero noong nakuha na ang porma ay bumaÂngon ang Lebanese sa pamamaÂgitan nina Jhonlenn Baretto at Arthur Al Zayek upang maipanalo ang ikatlo at ikaapat na sets.
Umangat pa ang Lebanon sa 6-3 at 9-7 sa deciÂding set pero hindi nasiraan ng loob ang Power Pinoys at humugot ng lakas sa 3,500 na nanood sa laro.
Ang kill ni Legrand ang nagbigay ng 10-9 bentahe pero nagtabla ang dalaÂwang koponan dahil sa service error ng Aussie import.
Dito lumabas ang husay ni Malabanan na nagpakawala ng apat na sunod na puntos. Ang atake na nasundan ng service ace ay naglagay sa Pilipinas sa double matchpoint, 14-12.
Nabawi ng Lebanon ang isang puntos sa atake ni Adam Khoury pero hindi na pinahintulutan ni Abdilla na malagay sa alanganin ang laban nang pakawalan ang malakas na kill na hindi nakuha ni Khoury,
May 22 kills si Abdilla habang si Malabanan ay may 9 puntos. Ang Australian setter na si William Lewis ay may walong puntos at apat dito ay galing sa block na dinomina ng Pilipinas, 14-11.
Tumapos sa ikawalong puwesto ang Lebanon sa ligang inorganisa ng Sports Core katuwang ang Philippine Volleyball Federation at ito na ang pinakamataas nilang naabot matapos ang 12th place noong 2009 sa Dubai. (ATan)
- Latest