Griffin ibinigay sa Clippers ang ika-57 panalo
LOS ANGELES--Tumapos ng 24 puntos si Blake Griffin sa kabila ng pagkakaroon ng 16th technical foul at ang Clippers ay nangibabaw sa Denver Nuggets, 117-105, para sa franchise-record na 57th panalo sa NBA.
Naghatid pa ng 21 puntos at 10 assists si Chris Paul habang si JJ Redick ay may panuportang 18 puntos at ang Clippers ay umangat sa isa pang franchise record na 34-7 sa homecourt.
Ang panalo ay nagpatibay sa laban ng Clippers para sa number two seed sa Western Conference playoff. Kailangan nilang manalo sa Portland at manalangin na matalo ang Oklahoma City Thunder sa Detriot Pistons sa Miyerkules para makuha ang puwesto.
Kung matalo sila at manalo ang Thunder, magiging numbre three seed ang Clippers.
Hindi nila makakasama sa susunod na laro si Griffin dahil ang tinanggap na 16th technical foul ay may kaakibat na one-game suspension.
Napituhan si Griffin ng technical sa 3:23 sa second period nang tamaan ng kanyang kanang braso ang ulo ni Timofey Mozgov sa isang loose ball play.
Umaapela si Griffin sa liga dahil bola ang habol niya at hindi intensyon na saktan si Mozgov na may 18 puntos at 11 rebounds para sa Nuggets.
Sa New York, kumamada si Tim Hardaway Jr. ng 16 points para pangunahan ang Knicks, naglaro nang wala ang may injury na si Carmelo Anthony, sa 109-98 tagumpay laban sa Brooklyn Nets.
Ipinagkait ng Knicks sa Nets na makuha ang No. 5 seed sa Eastern Conference playoffs para sa kanilang ikatlong sunod na panalo
- Latest