Maglalaban sa ONE FC MMA, Julaton binantaan ni Saber
MANILA, Philippines - Hindi na maitago ni Ana Julaton ang pananabik na umuwi ng Pilipinas at maÂipakita ang galing sa harap ng mga kababayan.
Pero hindi ito sa laraÂngan ng boxing kundi sa Mixed Martial Arts dahil si Julaton ay makakasama sa lalaban sa ONE FC: Rise of Heroes sa Mayo 2 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
“I’m coming HOME!†tweet ni Julaton. “Looking forward to seeingeveryone @MOAARENA in Manila for @ONEFCMMA Thank you to all my Kababayan.â€
Makakasukatan ni Julaton, na hinawakan ang WBO at IBA super bantamweight titles sa boÂxing, si Egyptian kickboxing champion Aya Saeid Saber sa kanyang debut sa MMA.
Hindi naman nakikita ng 33-anyos na si Julaton na magkakaproblema siya sa mixed martial arts dahil may mga training na siyang ginawa sa ibang contact sports bago pa nagbuhos ng panahon sa boxing.
“I have the background in martial arts and I’ve always had an interest in the UFC. I saw how there were so many different options. In boxing, you’re limited to your left and right hands. In MMA, I understand kicks, I understand the ground game. It was so intriguing being able to fight with all these tools, not just my hands,†naunang pahayag kay Julaton ni Kevin Iole.
Hindi nagpapadehado si Saber kung pananalita ang pag-uusapan dahil tiniyak niyang handa siyang hiyain si Julaton para maipagmalaki siya ng kanyang mga kababayan.
Kaya naman hindi rin tumitigil si Julaton sa pagsasanay para mapaghandaan ang lahat ng puwedeng gawin ng kauna-unahang Egyptian MMA fighter.
Puwede ng bumili ng tickets para sa laban sa SM Tickets at nagkakahalaga ito ng P6,360 sa VIPs, P3,180 sa patron, P1,280 sa lower box, P640 sa upper box at P220 sa general admission. (AT)
- Latest