7th place na lang ang habol vs Lebanon, Power Pinoys luhaan uli sa Iraq
MANILA, Philippines - Hindi pinayagan ng South Gas Club Sports ng Iraq ang hangarin ng PLDT TVolution Power Pinoys na makabawi sa pagkatalo sa unang pagtutuos nang kunin ang 25-17, 25-21, 25-21, panalo sa classification round ng Asian Men’s Club Volleyball Championship kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Ang Bulgarian 6’6 import na si Aleksandaron Ananiev Metodi ang siyang naging tinik sa landas ng home team na maipaghiganti ang tinamong 22-25, 19-25,18-25, pagkatalo sa Group elimination matapos magpakawala ng 15 kills at apat na blocks tungo sa 19 puntos.
Karamihan sa kanyang mga atake ay galing sa back line dahilan upang mainis ang Power Pinoys coach na si Francis Vicente sa mahinang depensa ng bataan.
“Only 11 (Metodi) is making points for them because you are not ready,†banggit ni Vicente sa isang time-out sa third set.
Di hamak na mas maÂganda ang inilaro ng Power Pinoys kumpara sa unang pagkikita at nakalamang pa sila sa tatlong sets na pinaglabanan.
Pero maliban kay Metodi, ininda rin ng host ang maraming unforced errors, kasama ang mga service aces na pumapatay sa kaÂnilang momentum.
“Hindi namin ma-convert ang second chance namin. Nakadikit kami at lumalamang pero hindi namin ma-sustain ang laro,†wika ni Power Pinoys team captain Ian Fernandez.
Si Australian import Cedric Legrand ang namuno sa Power Pinoys sa kanyang 11 kills tungo sa 13 puntos habang si Peter Torres ay mayroong 8 puntos at anim dito sa atake.
Sa panalo ng Iraq, sila ang magkakaroon ng pagkakataon na lumaban para sa ikalimang puwesto sa pagtatapos ngayon ng ligang handog ng PLDT Home Fibr at inorganisa ng Sports Core katuwang ang Philippine Volleyball FeÂderation.
Katapat ng Iraq ang Chinese Taipei na humirit ng 25-12, 25-23, 25-17, panalo sa Al-Zahra Al-Mina ng Lebanon.
Makakatunggali ng Pilipinas ang Lebanese team sa unang laro sa ganap na alas-10 ng umaga at balak na wakasan ang tatlong sunod na pagkatalo upang maokupahan ang ikapitong puwesto sa torneong may ayuda pa ng Mikasa, Healthway Medical, Maynilad, Gerflor Spurway, Senoh Equipment, STI, PSC, Makati Mayor Junjun Binay, Pasay City Mayor Antonino Calixto at MMDA Chairman Francis Tolentino. (ATan)
- Latest