^

PSN Palaro

Azkals, Qatar draw sa 1-1

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinapos ng Philippine Azkals ang dalawang laro sa Doha sa pamamagitan ng 1-1 draw laban sa Qatari Club team Al-Ahli SC kahapon ng madaling araw.

Si Juan Luis Guirado na pumalit kay Robert James Gier sa 45th minute ng laro, ang siyang nagbigay ng unang goal sa laro sa 78th minute.

Ngunit hindi naging maganda ang depensa ng Azkas sa sumunod na dalawang minuto para makatabla ang home team.

Hindi nakasama ng Azkals ang striker na si Phil Younghusband dahil may iniinda ito pero mas maraming atake ang ginawa ng bisitang koponan at minalas lamang na hindi naipasok ang mga goals.

Kontento si team ma­na­ger Dan Palami sa ipina­kita ng mga manlalaro dahil tunay na dominado nila ang laban.

“It was a good test match for us, the score notwithstanding,” ani Palami.

Tiyak na masaya rin ang Al-Ahli SC dahil na­kabawi sila kahit paano sa tinamong 1-3 pagkatalo noong unang nakaharap ang Azkals noong 2012.

Ito ang ikalawang tabla sa ilalim ng bagong national head coach na si Thomas Doo­ley matapos ang scoreless draw laban sa Malaysia.

Matapos ang apat na international friendly, si Dooley ay mayroon ding isang panalo at isang talo at ang panalo ay nakuha sa Nepal (3-0) habang ang kabiguan ay ipinalasap ng Azerbaijan (0-1).

Pabalik na ng bansa ang Azkals at paghahandaan ang isa pang  Friendly uli laban sa Malaysia sa Abril 27 sa Cebu City.

Ang mga larong ito ay tune-up games bilang paghahanda ng Azkals para sa AFC Challenge Cup na gagawin sa Maldives.

Nasa Group B ang Pilipinas at sa Mayo 21 magsisimula ang kompetisyon at kalaban ng Pilipinas ang Afghanistan sa Addu City.

Kinabukasan ay katunggali ang Laos bago lumipat ang koponan sa Male para sukatin ang Turkmenistan sa Mayo 24.

Ang mangungunang dalawang koponan sa da­la­wang grupo matapos ang single round group elimination ang magkikita sa semifinals sa Mayo 27 at ang mananalo ang magtutuos sa titulo sa Mayo 30.

Hanap ng Azkals na mahigitan ang bronze me­dal finish sa 2012 edisyon na nilaro sa Nepal. (ATan)

ADDU CITY

AL-AHLI

AZKALS

CEBU CITY

CHALLENGE CUP

DAN PALAMI

NASA GROUP B

PHIL YOUNGHUSBAND

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with