Tigresses nilapa ang Lady Stags, lumapit sa quarters
MANILA, Philippines - Kumapit pa ang UST Tigresses sa ikalawang puwesto sa Group B sa Shakey’s V-League Season 11 First Conference nang lapain ang San SeÂbasÂtian Lady Stags, 25-16, 20-25, 25-14, 25-20, na ginanap noong Linggo ng gabi sa The Arena sa San Juan City.
Hindi pa rin napigil ang mahusay na si Ennajie Laure matapos itong magpakawala ng 16 kills tungo sa 18 puntos at ang tropa ni coach Odjie Mamon ay nanalo sa ikalawang sunod matapos ang tatlong laro at nanatili sa ikalawang puwesto sa grupo kasunod ng National University Lady Bulldogs (4-0).
Bunga nito ay tumibay din ang laban ng UST para sa isang puwesto paÂtuÂngong quarterfinals sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s.
Solido rin ang depenÂsa ng Tigresses at si Marivic Meneses ay mayroong walong blocks tungo sa 15 puntos at ang nanalong koponan ay may 15-4 bentahe sa nasabing departament.
Nakabalik na sa Lady Stags ang power hitter na si Gretchell Soltones pero nakaapekto sa kanya ang mahabang pahinga dulot ng sprained ankle at tumapos lamang taglay ang siyam na puntos, walo rito sa kills.
Ibinuhos lahat ni Czarina Berbano ang 13 puntos sa pag-atake pero kinapos siya ng suporta at ang Lady Stags ay bumaba sa 1-3 baraha sa ligang may ayudan pa ng Accel, Mikasa at Lion Tiger Mosquito Coil.
Pahinga ang liga sa linggong ito upang gunitain ang Semana Santa at babalik ang aksyon sa Linggo (Abril 20) at maghahatid ng dalawang laro.
- Latest