^

PSN Palaro

Walang problema sa timbang Pacquiao handa na

Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

LAS VEGAS--Sa gabi ng kanilang official weigh-in, nilantakan ni Manny Pacquiao ang kanyang pa­boritong pagkain at ti­nanggap ang kanyang mga bisita sa suite niya sa Mandalay Bay.

Alas-8 na ng gabi nang lumabas ng kuwarto si Pacquiao para maghapunan na kinabibilangan ng salmon, tinolang manok, daing at steamed rice at fruits.

Naglabas-masok ang mga bisita sa kanyang suite na nasa pang-61 floor ng hotel, kasama rito ang ilang congressmen at isang senator. Bumisita sila para makita at makausap ang boxing icon.

Isang tandem ang kumanta ng Gospel music sa main living room at bandang alas-7 ng gabi ay kumapal na ang bilang ng kanyang mga bisita kaya napilitan silang tawagin ang hotel security para paalisin ang ilan sa mga ito.

Sa pag-ubos ni Pacquiao ng kanyang hapunan ay sinabi niyang handa na siya sa laban.

“Ready to go,” wika nito.

Umawit si Pacquiao ng ilang kanta para sa kanyang mga fans at alas-9 ng gabi ay wala na ang kanyang mga bisita.

Nagbalik siya sa kuwarto at pinanood ang laro sa NBA sa pagitan ng Golden State at Denver.

Nagbasa siya ng Biblia bago nagpahinga.

Ang kanilang laban ni Timothy Bradley, Jr. ay nakatakda sa welterweight limit na 147 pounds at hangad ni Pacquiao na muling mabawi ang WBO na inagaw sa kanya noong 2012.

Sinabi ni Pacquiao na wala siyang problema sa kanyang timbang.

Sa timbang na 147 pounds ay maaari niyang kainin ang anumang gusto niya.

“No problem sa timbang,” sabi ni Pacquiao ma­tapos magpapawis sa Top Rank Gym sa Las Vegas.

“No need to diet,” dagdag pa nito.

“He has nothing more to do,” wika naman ng kanyang conditioning coach na si Justine Fortune.

Sinabi ng dating heavyweight contender na tumimbang si Pacquiao ng 149 pounds bago siya nagpapawis sa gym.

“He was 149 dressed this morning,” ani Fortune, idinagdag na kapag lumabas si Pacquiao ng gym matapos ang isang two-hour workout ay titimbang siya ng 146 pounds.

Sinabi ni Fortune na makukuha ni Pacquiao ang timbang sa oras ng kanilang official weigh-in sa alas-2:30 ng hapon sa Grand Garden Arena.

“He’s happy to walk into a fight not needing to dehydrate,” sabi ng conditioning coach at ngayon ay boxing gym owner sa Los Angeles.

GOLDEN STATE

GRAND GARDEN ARENA

JUSTINE FORTUNE

KANYANG

LAS VEGAS

LOS ANGELES

MANDALAY BAY

PACQUIAO

SINABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with