^

PSN Palaro

Copeland nagpasiklab sa panalo ng Pacers

Pilipino Star Ngayon

MILWAUKEE--Nang ipahinga ni Indiana Pa­cers coach Frank Vogel ang kanyang mga starters sa buong laro laban sa Milwaukee Bucks, nanga­ngahulugan na mahabang playing time ang ibibigay niya sa mga reserves.

Sinamantala naman ni Chris Copeland ang pagkakataon.

Umiskor si Copeland ng season-high 18 points at isinalpak ang isang driving layup sa huling 1.2 segundo para ibigay sa Pacers ang 104-102 panalo kontra sa Milwaukee Bucks.

Ang panalo ang nag­lapit sa Pacers sa No. 1 spot sa East.

Dinuplika rin ni Copeland ang kanyang career high na apat na 3-pointers.

Matapos tumawag ng dalawang timeouts ay ibinigay ng Pacers ang bola kay Copeland na sumalaksak para sa kanyang winning shot.

Bago ang tirada ni Copeland ay naitabla muna ni Khris Middleton ang Bucks sa 102-102 mula sa kanyang tatlong free throws.

 Maski na naglaro nang wala ang mga starters, umangat ang Pacers ng kalahating laro sa Miami Heat patungo sa kanilang matchup sa Miami.

Sa New Orleans, tinalo ng Phoenix Suns ang Pe­l­icans, 94-88, para sa ka­nilang pangatlong sunod na panalo.

CHRIS COPELAND

COPELAND

FRANK VOGEL

INDIANA PA

KHRIS MIDDLETON

MIAMI HEAT

MILWAUKEE BUCKS

PHOENIX SUNS

SA NEW ORLEANS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with