Heat wala pa ring binatbat sa Nets
MIAMI--Kung may isang bagay na maipagmamalaki ng Brooklyn Nets ngayong season, ito ay ang katotohanang hindi nanalo sa kanila ang NBA champion Heat.
May 19 puntos si Joe Johnson habang binutata ni Mason Plumlee ang tangÂkang dunk ni LeBron James para ibigay sa Nets ang 88-87 panalo sa Heat.
Ito ang ikatlong pagkakataon na ang laro ay naipanalo ng Brooklyn tangan ang isang puntos habang ang isa pang tagumpay ay sa pamamagitan ng douÂble-overtime.
May 16 puntos pa si Marcus Thornton habang si Paul Pierce ay naghatid ng 14 at ang Nets ang naging unang koponan na winalis ang Heat sa huling dalawang taon.
Kinapos si James ng apat na assists para sana sa isang triple-double sa ginawang 29 puntos, 10 rebounds at 6 assists ngunit ang Heat ay nanatiling nakaangat ng kalahating laro sa Indiana para sa number one seeding sa East.
Sa Sacramento, giÂnaÂÂmit ng Oklahoma City Thunder ang 16-0 run sa pagÂsisimula ng ikaapat na yugto tungo sa 107-92 demolisyon sa Kings.
Hindi sumablay sa anim na buslo sa 3-point line si Caron Butler tungo sa 23 puntos habang si Kevin Durant ay may 23 din na ginawa sa tatlong yugto.
May 19 puntos si Serge Ibaka para sa Thunder na pinagpahinga ang pambatong guard na si Russell Westbrook para sa mahalagang laro kontra sa Los Angeles Clippers.
May 56-21 karta ang Thunder at angat lamang sila ng 11/2 sa Clippers (55-23) papasok sa kanilang pagtutuos.
Sa Utah, dinaig ng Dallas Mavericks ang Jazz, 95-83, matapos ang 9-of-11 shooting ni Dirk Nowitzki para sa kanilang ikalimang sunod na panalo.
Tumapos ang bisitang Mavericks taglay ang 56 percent shooting at anim na manlalaro ng Dallas ang nasa double digits para kunin ang ika-48 panalo matapos ang 79 laro.
- Latest