Nanumbalik ang alaala ng unang laban, Pacquiao nasa Vegas na
LAS VEGAS--Ang kanyang rematch kay Timothy Bradley ang magiging ika-15 pagkakataon na lalaban si Manny Pacquiao rito sa siyudad kung saan mara-ming maaaring mangyari.
Ito ang kanyang pang-15 laban dito matapos noÂong Hunyo 23, 2001 bilang isang late replacement na nagpagtumba kay IBF super-bantamweight champion Lehlo Ledwaba.
Lumaban si Pacquiao, noon ay isang bata at payatot na boksingero, sa undercard ng laban ni Oscar dela Hoya.
Walang nakakilala sa kanya noon.
Ang kanilang 12-round bout ni Bradley para sa WBO welterweight title ng huli ang magiging ika-10 pagkakataon ni Pacquiao sa MGM Grand kung saan niya naipanalo ang ilan sa malalaki nilang laban.
Ang Las Vegas o MGM ay ang ikalawang tahanan ni Pacquiao.
Ngunit nasa kanyang magarang suite sa 61st floor ng Mandalay Bay, sinabi ng 35-anyos na boÂxing legend na tila ito ang una niyang laban.
At nakita sa kanyang mukha ang pananabik.
“It feels like when I was starting out and I wanted to become a world champion,†wika ni Pacquiao na nakaupo sa isang velvet sofa at nakasuot ng black leather jacket, blue jeans at Converse shoes.
“Parang ito yung break ko na lumaban ako para sa championship,†dagdag pa ni Pacquiao.
Ang huling laban ni PacÂÂquiao sa Vegas ay noÂÂong Disyembre ng 2012 kung saan siya pinatulog ni Juan Manuel Marquez sa MGM.
Bago ang kanyang pagÂkatalo sa kanyang MeÂxican foe, natalo rin si Pacquiao kay Bradley via split decision.
Ngunit kinalimutan na niya ang mga ito matapos dominahin si Brandon Rios sa Macau limang buwan na ang nakararaan.
“Excited ako. Masaya tayo,†sabi ni Pacquiao.
Nakipag-spar si Pacquiao ng apat na rounds sa Wild Card Gym sa Los Angeles noong tanghali bago sumakay sa kanyang eleganteng SUV para sa isang four-hour drive sa Las Vegas.
Nakasama ng Filipino congressman sa biyahe ang halos isang daan na miyembro ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa isang convoy na kinabibilangan ng isang malaking bus na may 56 pasahero at isang dosenang sasakyan.
- Latest