Power Pinoys pinaspasan ang Mongolia
MANILA, Philippines - Binilisan ng PLDT Home TVolution Power Pinoys ang kanilang laro para maisantabi ang mas malalaking Mongolian spikers tungo sa 25-13, 25-23, 25-16, straight sets panalo sa pagbubukas kahapon ng Asian Men’s Club Volleyball Championship sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Si Australian open spiker Cedric Legrand ang naÂnguna sa host team sa 18 puntos, mula sa 13 kills 3 blocks at 2 service aces, habang ang 21-anyos La Salle Dasmariñas player na si Alnakran Abdilla ay may 12 puntos, kasama ang 11 kills.
Ang dating UAAP MVP na si Peter Torres, Australian import setter William Lewis at Kheeno Franco ay nagsanib sa 13 puntos para sa balanseng pag-atake tungo sa 1-0 baraha sa Group A.
Naiusad na ng Power Pinoys ang isang paa sa quarÂterfinals at kailangan na lamang nila na talunin ang Iraq bukas o matalo ang Mongolia sa Iraq sa Sabado para pormal na upuan ang puwesto sa knockout round ng kompetisyon na may suporta ng PLDT Home FIBR.
“We have no height so we need to make it fast, use our speed,†wika ni Power Pinoys coach Francis Vicente.
Si Saikhanbaatar Erdenebat ay mayroong 13 puntos habang si team captain Munkhbayar Ariunbayar ay nagÂdagdag ng 10 puntos para sa Mongolia na hindi nakaagapay sa matalim na paglalaro ng home team.
Talunan sa spike department sa isinukong 24-38, umaray din ang Mongolian team sa ibinigay na 24 errors upang malagay sa alanganin ang kampanya sa liga.
Sa ikalawang laro, napalaban ang Lebanon sa VietÂnam nang kailanganin ng una na magpakatatag sa huÂling dalawang sets tungo sa 20-25, 25-20, 22-25,25-18, 15-13, sa Group B match.
Kinalos ng Al-Rayyan ang Turkmenistan, 25-23, 25-20,19-25, 25-16, habang may 25-16, 25-17, 25-20, tagumpay ang Kazakhstan sa Green Dragon ng Hong sa larong idinaos sa Cuneta astrodome. (ATan)
- Latest