^

PSN Palaro

Javelosa lalaro sa Ateneo

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Madaragdagan ng ma­laking manlalaro ang Ateneo matapos ihayag ng dating national player na si  Michael Jay Javelosa na nais niyang maglaro sa Blue Eagles sa papasok na season.

Si Javelosa ay isang 6’6 center at nagtapos ng se­condary education sa Reedley International School

Dati na siyang  nag-aral sa Ateneo pero napilitan siyang lumipat sa Reedley dahil pinagbawalan siya na maglaro sa national team habang nag-aaral.

Tatlong taon din isinuot ni Javelosa ang Pambansang uniporme at naging kasapi sa Phl U16 at U18 teams noong 2011 at 2012.

Pinili ng 18-anyos na si Javelosa na maglaro uli sa Ateneo bilang pagtupad sa naipangako sa kanyang nasirang lolo na si Alfredo Javelosa. Ang nakatatandang Javelosa ay dating basketbolista ng Blue Eagles at kakampi ni Moro Lorenzo.

Si Javelosa ang lalabas na ikaapat na talentadong big man na papasok sa Eagles kasunod nina 6’5 Arvin Tolentino ng San Beda at ang magkakampi sa Hope Christian High School na sina 6’4 John Apacible at 6’3 Clint Doliguez.

Makakasama rin ng koponan ang nakababatang kapatid ni Kiefer Ravena na si Thirdy Ravena para sa dagdag opensa.

Nagwakas na ang li­mang sunod na taon na namayagpag ang Eagles sa Season 76 nang nabi­gong umabante sa Final Four ang Ateneo sa unang taon ni coach Bo Perasol matapos ang 7-7 baraha tungo sa ikalimang puwes­tong pagtatapos.

ALFREDO JAVELOSA

ARVIN TOLENTINO

ATENEO

BLUE EAGLES

BO PERASOL

CLINT DOLIGUEZ

FINAL FOUR

JAVELOSA

SI JAVELOSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with