Seguridad sa AMCC tiniyak ng organizers
MANILA, Philippines - Sisiguruhin ng mga orÂgaÂÂnizers ng Asian Men’s Volleyball Club ChamÂpionship na magiÂging matagumpay ang kaÂnilang preparasyon para sa pinakamalaking international sporting event ngayong taon.
Nakikipagtulungan ang mga local government units, ang Philippine National Police (PNP) at ang PLDT Home Fibr sa nag-oorganisang Philippine Volleyball Federation at Sportscore ukol sa mga aktibidad na nakalatag para sa mga foreign at local officials at partisipante sa torneong suportado ng Mikasa, Gerflor-Spurway, Senoh Equipment, Healthway Medical Services at Maynilad.
Isang welcome dinner ang inihanda ng PLDT para sa mga athletes at officials bukas sa poolside ng City Club sa Alphaland Makati Place sa Ayala Ave. corner Malugay St.
Idaraos ang torneo sa Abril 8-16.
Sina Makati Mayor Junjun Binay at Pasay City Mayor Antonino Calixto ang makakasama nina Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo Garcia, dating PSC chief at AMCC Organizing Committee chairman Philip Ella Juico, Philippine Superliga president Ramon ‘Tat’s Suzara at PVF chief Karl Chan at sec-gen Otie Camangian sa pagtanggap sa mga opisyales at partisipante.
Ang iba pang special guests sa PLDT affair ay sina chairman Hyungbin Yim ng Asian Volleyball Confederation at ang kanyang entourage na sina Tetsuya Ozaki (president, Senoh Equipment-Japan) at Masahiro Masuoka, (International Maketing MaÂnager, Senoh Equipment-Japan).
Tiniyak ni Pasay Mayor Calixto ang kaligtasan ng mga partisipante sa MOA Arena at sa Cuneta Astrodome, ang dalawang main venues ng torneo.
Ang lahat ng laro ng Philippine team, na kikilaÂlanin bilang Power Pinoys o PLDT HOME TVolution team, ay ipapalabas ng live sa TV5, ang opisyal broadcast partner ng AMCC.
Ang iba pang team na kalahok ay ang seven-time champion Iran, Iraq, Mongolia, Japan, Lebanon, Vietnam, Qatar, KazakhsÂtan, Oman, Hong Kong, Turkmenistan, United Arab Emirates, Papua New Guinea, Chinese Taipei at China.
- Latest