^

PSN Palaro

Garcia guest sa AMCC opening

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Inimbitahan si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Ricardo Garcia upang siyang ma­ging panauhing pandangal at tagapagsalita sa pagbubukas ng PLDT Home Fibr Asian Men’s Club Cham­pionship sa Martes sa Mall of Asia Arena.

May 16 koponan ang magtatagisan sa palarong gagawin mula Abril 8 hanggang 16. Bukod sa MOA, ang aksyon ay gagawin din sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Si Garcia ay isa sa mga sumusuporta sa pagba­ngon ng Philippine volleyball matapos maayos ang problema sa liderato ng Philippine Volleyball Federation.

Nakaupo bilang pangulo si Karl Chan habang si Rustico “Otie” Camangian ang sec/gen at para maipakita na maayos na ang relasyon ng NSA at PSC ay binigyan na ng go-signal ng Komis­yon ang pagkakaroon ng national pool sa men’s at women’s ang PVF.

Suportado ang kompetisyon ng Mikasa, Healthway Medical, Maynilad, Gerflor Spurway, Senoh Equipment, STI, PSC, Pasay City Mayor Antonino Calixto at MMDA Chairman Atty. Francis Tolentino.

Si Francis Vicente ang siyang coach ng Pambansang koponan na suportado ng PLDT Home TVolution at makikilala bilang Power Pinoys.

Sina Australian players Cedric Legrand at William Robert Lewis ang tutulong sa team na kinabibilangan din nina JP Torres, Ron Jay Galang, Jeffrey Malaba-nan, Alnakran Abdilla at actor Richard Gomez.

Nagsanay sa Korea ang koponan para maihanda ang sarili sa mabigat na laban sa Group A na kinabibilanganan din ng Iraq at Mongolia.

Ang opening ceremony ay itinakda sa ganap na alas-12 ng tanghali at matapos ang dalawang oras na seremonya ay sasalang sa aksyon ang Pilipinas kontra Mongolia.

 Ang lahat ng laro ng Pilipinas ay maipapalabas ng live sa TV5 na siyang official broadcaster ng liga.

ALNAKRAN ABDILLA

CEDRIC LEGRAND

CHAIRMAN ATTY

CLUB CHAM

CUNETA ASTRODOME

FRANCIS TOLENTINO

GERFLOR SPURWAY

GROUP A

HEALTHWAY MEDICAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with