Ellerbe pabor kay Pacquiao vs Bradley
MANILA, Philippines - Nakakuha ng suporta si Manny Pacquiao mula sa kampo ng karibal nang ihayag ni Leonard Ellerbe na siya ang mananalo sa kanilang rematch ni WBO welterweight champion Timothy Bradley sa Abril 12 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
Si Ellerbe ay isa sa malapit na tauhan ni pound-for-pound king Floyd Mayweather Jr. na makailang-ulit na hinamak ang kahusayan ni Pacman sa ring.
“I think Manny will win this fight. Bradley is a terrific young fighter, but I think Pacquiao is too much for him,†pahayag ni Ellerbe na lumabas sa Boxingscene.
Noong unang naglaban sina Pacquiao at Bradley noong 2012 na napagwagian ng huli sa pamamagitan ng kontrobesyal na split decision, nasabi rin ni Ellerbe ang paniniwalang tunay na ang Kongresista ng Sarangani Province ang nanalo sa bakbakan.
Hindi pa rin nagbabago ang paniniwala ni Ellerbe sa kakayahan ni Pacquiao na talunin si Bradley.
“He (Pacquiao) won the first one,†wika ni Ellerbe, ang CEO rin ng Mayweather Promotion. “I think that night the fans will see the results of that.â€
Ito na ang huling linggo sa masinsinang pagsasanay na ginagawa nina Pacquiao at trainer Freedie Roach dahil sa darating na Lunes ay inaasahan na bibiyahe na ang Team Pacquiao patungong Las Vegas para paghandaan ang laban sa Sabado (Linggo sa Pilipinas).
Lahat ng aspeto ay pinaghahandaan ng Pambansang kamao at ang mga huling ensayo ay nakatuon din sa pagpapalakas sa kanyang mga tuhod na magiging mahalaga dahil plano niyang hindi mawala sa harapan ni Bradley.
Hanap ni Pacquiao ang kumbinsidong panalo kay Bradley upang makabawi sa pagkatalo sa unang pagtutuos at mapalakas din ang pagtutuos nila ni Mayweather na siyang kinasasabikan ng mga mahihilig sa boxing.
Hindi rin nagpapabaya si Bradley sa kanyang paghahanda dahil ang makukuhang panalo ay seselyo sa kanyang pangalan bilang isa sa matitikas na boksingero sa kapanahunang ito. (ATan)
- Latest