^

PSN Palaro

Pacquiao walang balak iwanan si Bob Arum

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Isa sa mga kondisyon ng wala pang talong boksingerong si Floyd Mayweather Jr. para matuloy ang laban nila ni Manny y iwanan ng Filipino boxing icon ang kanyang long-time promoter na si Bob Arum.

Sinabi ni Pacquiao sa kanyang panayam kay Lance Pugmire ng The Los Angeles Times na wala siyang balak iwanan ang Top Rank promotions ni Arum.

“Right now, I don’t have issues. I’m the kind of person that doesn’t look to make changes. Look at me, since I’ve fought in America, I’ve only had one trainer [Freddie Roach]. I never change. We have a good relationship with Top Rank, with Bob," wika ni Pacquiao na matatapos na ngayong 2014 ang kontrata kay Arum.

Kaugnay na balita: Pacquiao kinaawaan si Bradley noong unang laban

Naniniwala ang Saranggani representative na wala talagang balak si Mayweather na kalabanin siya.

 â€œThe truth is, he [Mayweather] doesn’t have interest in fighting me. It’s not about the promoter,” wika niya kay Pugmire.

Ilang beses nang sinubukan na maikasa ang sinasabing isa sa pinakamatinding laban sa kasaysayan ng boksing ngunit nauwi lamang ang mga ito sa wala.

Sinabi ni Pacquiao na umaasa pa rin siyang matutuloy ito ngunit nakadepende na lamang ito kay Mayweather.

 â€œFor me, if he wants to fight, the fight will be on. The ultimate answer is from him. I’m just waiting to see if he’ll change his mind,” banggit niya.

Pero bago pa man mangyari ang laban nila ni Mayweather ay nakatakdang muling bumalik sa gitna ng ring si Pacquiao upang bawiin ang WBO welterweight title kay Timothy Bradley sa Abril 13.

Tangka ng eight-division champion na makabawi mula sa kontrobersyal na talo niya kay Bradley noong Hunyo 2012.

vuukle comment

BOB ARUM

BRADLEY

FLOYD MAYWEATHER JR.

FREDDIE ROACH

LANCE PUGMIRE

LOS ANGELES TIMES

MAYWEATHER

PACQUIAO

TOP RANK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with