^

PSN Palaro

Painters nagpalakas Batang Pier ibinaon pa sa hukay

RC - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinalakas ng Rain or Shine ang kanilang tsansa sa quarterfinal round ka­sa­bay ng pagsibak sa Globalport.

Dinomina ng Elasto Painters ang Batang Pier mula sa first period patungo sa kanilang 99-75 panalo sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Ito ang ikalawang sunod na panalo ng Rain or Shine na nagtampok sa bagong import na si Wayne Chism, pumalit kay Alex McLean.

Nalasap naman ng Globalport ang kanilang pang-pitong dikit na kamalasan.

“We’re 3-3. We’re in the middle of the pack. We have three games left and we need to win two of our last three games,” sabi ni head coach Yeng Guiao sa kanilang tsansang makapa­sok sa quarters.

Mula sa maliit na 29-26 abante sa first period ay lumayo ang Elasto Painters sa 42-31 mula sa basket ng 6-foot-8 na si Chism sa second quarter hanggang ibaon ang Batang Pier sa 80-62 sa 9:46 ng fourth quarter.

Tuluyan nang sinelyuhan ng Rain or Shine ang kanilang panalo matapos iposte ang 19-point lead, 86-67, kontra sa Globalport sa 6:24 ng final canto matapos ang fastbreak basket ni Larry Rodriguez.

Tumapos si Paul Lee na may 21 points, tampok dito ang magandang 5-of-6 shooting sa three-point line, habang nagdagdag si Chism ng 17 markers kasunod ang 13 ni rookie center Raymond Almazan at 10 ni Chris Tiu.

Pinangunahan naman ni balik-import Evan Brock ang Batang Pier sa kanyang 25 points.

Kasalukuyan pang nag­lalaro ang Talk ‘N Text at ang San Mig Coffee habang isinusulat ito kung saan puntirya ng Tropang Texters ang No. 1 berth na may kasamang ‘twice-to-beat’ incentive sa quarters.

 

BATANG PIER

CHISM

CHRIS TIU

ELASTO PAINTERS

EVAN BROCK

GLOBALPORT

LARRY RODRIGUEZ

N TEXT

PAUL LEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with