Aces hiniritan ng panalo ang Beermen sa Biñan, Laguna
Laro Bukas
(Smart Araneta Coliseum)
5:45 p.m. Globalport vs Rain or Shine
8 p.m. San Mig Coffee vs Talk ‘N Text
MANILA, Philippines - Pinigil ng nagdedepensang Alaska ang tatlong sunod na arangkada ng San Miguel Beer matapos kunin ang 89-78 panalo para sa kanilang pangalawang dikit na ratsada sa 2014 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Alonte Sports Center sa Biñan, Laguna.
Ang tagumpay ang nagtabla sa Aces sa ikaÂapat na puwesto kahanay ang Meralco Bolts at Air21 Express, habang nanatili naman sa ikalawang puwesto ang Beermen.
Isang 13-0 atake nina Best Import Rob Dozier, JVee Casio, Cyrus Baguio at RJ Jazul sa huling tatlong minuto ang nag-akay sa Alaska sa kanilang pangaÂlawang sunod na ratsada.
Matapos ang layup ni guard Sol Mercado para sa 78-76 abante ng San Miguel ay nagtuwang naman sina Dozier, Casio at Baguio para ibigay sa nagtatanggol sa korona ang 84-78 bentahe sa 2:07 minuto ng fourth quarter.
Ang apat na sunod na free throws nina Jazul at Baguio ang nagbigay sa Aces ng 10-point lead, 88-78, kontra sa Beermen sa natitirang 30.8 segundo.
Nauna nang kinuha ng Alaska ang first half, 37-32, hanggang maagaw ng San Miguel ang 62-60 kalaÂmaÂngan sa dulo ng third period.
Samantala, nakatakdang iparada ng Rain or Shine ang bagong import na si Wayne Chism bilang kapalit ni Alex McLean sa kanilang pagsagupa sa Globalport bukas sa Big Dome.
Naunahan ng Elasto Painters ang Ginebra Gin Kings para sa serbisyo ni Chism, nauna nang naglaro sa Barako Bull Energy Cola sa pre-season games.
- Latest