Ubos ang Pinoy
MANILA, Philippines - Natapos ang magandang kampanya ni Filipino wild card Patrick John Tierro nang lumuhod siya kay eight seed Karunuday Singh ng India, 2-6, 6-4, 2-6, sa semifinals ng 2014 Olivarez Cup-Philippine F1 Futures kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.
Pinakawalan ng 27-anyos na si Tierro ang double-break point sa ikalimang game ng third set para bumigay sa laban.
Tabla ang iskor sa 2-2 nang umabante si Tierro sa 15-40 sa serve ni Singh. Pero hindi natinag ang 486th ranked Indian netter na naipanalo ang sumunod na apat na puntos na kanyang tinapos sa pamamagitan ng ace at service winner.
Nanlumo si Tierro sa pangyayari at natalo pa sa sumunod na tatlong laro, kasama ang break serve ni Singh sa ikaanim at ikawalong game.
Naging bangungot si Singh ng mga Filipino netters dahil nagbunga ang pakikipagtambal kay Ivo KÂlec ng Slovak Republic nang kalusin ang top seeds na sina Fil-Am Ruben Gonzales at Thai netter Sonchat Ratiwatana, 6-4, 3-6, (10-8), sa doubles Finals.
Masakit na pagkatalo ang nalasap nina GonzaÂles at Ratiwatana dahil nagawa nilang lumamang sa 7-5 sa super tie-break.
Abante pa sila sa 8-7 at namuro na manalo dahil si Ratiwatana ang may serve ngunit naisuko nila ang dalawang puntos para sa 8-9 iskor.
Si Singh ang nag-serve at nanalo sila ni Klec dahil sa net ang return ni RatiwaÂtana.
Makakalaban ni Singh sa singles Finals ngayong umaga ang third seed ShuiÂchi Sekiguichi ng Japan na kinalos ang top seed Benjamin Mitchell ng Australia, 2-6, 6-1, 6-2.
- Latest