Papalo sa semis kontra Indian Netter Tierro kumakasa pa
MANILA, Philippines - Bumangon si Patrick John Tierro mula sa pagkawala ng triple match point at pananakit ng kanang sakong sa third set para umabante sa semifinals ng 2014 Olivarez Cup-Philippine F1 Futures matapos ang 6-1, 6-7(2) 7-6 (5) panalo laban kay fourth seed Roberto Ortega-Olmedo ng Spain kahapon sa Rizal Memorial Tennis Center.
Nakakawala ang 0-40 kalamangan ni Tierro sa 10th game ng ikatlong set at natalo sa labang umabot ng limang deuces para magtabla ang dalawa sa 5-all.
Nagkaroon pa ng slight sprain sa kanang sakong si Tierro dahilan upang maÂngailangan siya ng tatlong minutong medical timeout.
Ang bagay na ito ay hindi nakaapekto bagkus ay nakatulong para maÂibalik ang kumpiyansa at makuha ang panalo sa deciding third set sa tie-break.
“Medyo na-relax ako dahil sa medical time-out. Nakatulong din ang cheeÂring ng mga nanood para sa morale ko,†wika ng 27-anyos, 6’1’ wild card netter ng bansa.
Naging mabisang sandata ni Tierro sa mas maliit pero ranked 338th sa mundo na si Ortega-Olmedo ang maigsi pero pamatay na cross-court shots dahil kinailangang tumakbo ng kalaban para maabutan ang bola na kadalasan ay nagresulta sa mga errors.
Nakapanakot pa ang Spanish netter sa pagdikit sa 5-6 iskor pero nagpaÂkawala ng cross-court forehand si Tierro na tinugunan ng mahabang forehand return ni Ortega-Olmedo upang magdiwang ang mga nanood sa labang tumagal ng dalawang oras at 31 minuto.
Lalabas si Tierro bilang kauna-unahang Filipino netter na umabot sa semifinals sa loob ng ilang dekada at magkakaroon siya ng pagkakataon na higitan ito kung talunin ngayon umaga si eight seed Karunuday Singh ng India.
Umabot si Singh sa semis matapos kalusin ang second seed na si Ti Chen ng Chinese Taipei sa mahirap ding 6-7(3), 6-3, 7-6(5).
“Super happy. I’m not sure kung nakapasok na ako sa semifinals sa mga dating Futures na nilaruan ko. I joined the tournament for the Davis Cup. But now, I’m just gonna play my game and yes, hope to win this tournament,†dagdag ni Tierro.
Doble-saya ang naramÂdaman ng mga sumusuporta sa kampanya ng Pilipinas sa US$15,000.00 tournament dahil umabante rin sa doubles finals sina Fil-Am Ruben Gonzales at Thai netter Sonchat Ratiwatana matapos kalusin sina Mohd Assri Merzuki ng Malaysia at Ivo Minar ng Czech Republic, 6-2, 6-2. (AT)
- Latest