^

PSN Palaro

Road Warriors pinatumba ang nagdedepensang Elite

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ipinaramdam kaagad ng NLEX Road Warriors ang kanilang masidhing ha­ngarin na mabawi ang kam­peonato sa PBA D-League Foundation Cup nang ilampaso ang nagde­depensang Blackwater Sports, 102-84, kahapon sa JCSGO Gym sa Cubao, Quezon City.

Naisantabi ng tropa ni coach Boyet Fernandez ang mahinang panimula ng koponan at ang pisikal na laro ng Elite upang ma­kasama sa apat na iba pang koponan na nasa una­han sa 10 koponang liga.

May 19 puntos si Garvo La­nete at ang 13 dito ay ibi­nagsak niya sa ikatlong yug­to para matabunan ang 44-48 halftime score pa­tungo sa 71-69 kalama­ngan papasok sa huling 10 minuto ng sagupaan.

Gumana ang mga kamay nina Kevin Alas, Art De­la Cruz at Jake Pascual sa huling yugto upang iwanan na ang Elite.

Natalo na ay may posibilidad pa na hindi magamit ang bagong sentro na si Reil Cervantes sa susunod na laro ng Elite.

Ito ay matapos ipatapon si Cervantes sa laro bunga ng flagrant foul 2 nang suntukin sa ulo si NLEX import Ola Adeogun.

Gumawa ng 18 puntos si Jeckster Apinan, habang may 11 at 10 puntos sina Dexter Maiquez at Brian He­ruela para sa Superchargers na nais na higitan ang pangalawang puwes­tong pagtatapos sa Aspirants’ Cup na pinagharian ng NLEX. (ATan)

ART DE

BLACKWATER SPORTS

BOYET FERNANDEZ

BRIAN HE

D-LEAGUE FOUNDATION CUP

DEXTER MAIQUEZ

GARVO LA

JAKE PASCUAL

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with