^

PSN Palaro

Southwestern, FEU umiskor

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nakitaan ng tikas ang Southwestern University, habang mas solido ang la­rong natunghayan sa FEU upang manalo sa kanilang mga laro sa Shakey’s V-League Season 11 First Con­ference kahapon sa The Arena sa San Juan Ci­ty.

Sinandalan ng Lady Cobras ang block laban kay Krissian Tsuchiya at pa­matay na kill na galing kay guest player Lutgarda Malaluan para maisantabi ang 12-14 iskor sa deciding set at gapiin ang baguhang St. Louis University sa 25-20, 23-25, 25-15, 21-25, 19-17 iskor.

Namuro ang Lady Na­vigators sa sana ay unang panalo sa ligang inorganisa ng Sports Vision at may ayuda ng Shakey’s pero hindi nila nakuha ang deci­ding point upang ibigay sa CESAFI champion ang karapatan na saluhan ang Ate­neo sa unang puwesto sa Group A.

May 19 puntos si Mar­lyn Llagoso pero malaking tulong ang impresibong nu­mero galing kay setter na si Ne­resa Villanueva at liberong si Jerra Mae Pa­cinio.

Ang mga inaasahan naman ng FEU na sina Bernardette Pons at Remy Joy Pal­ma ay nagposte ng 21 at 15 pun­tos, ayon sa pagkakasunod, at nag­­sanib sa 30 kills para tu­­lungan ang La­dy Ta­ma­­raws sa 25-21, 20-25, 25-11, 25-20 panalo kontra sa San Sebastian sa ikalawang laro. (ATan)

vuukle comment

BERNARDETTE PONS

FIRST CON

GROUP A

JERRA MAE PA

KRISSIAN TSUCHIYA

LADY COBRAS

LADY NA

LUTGARDA MALALUAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with