Superliga All-Pinoy kasado na sa Mayo 10
MANILA, Philippines - Nakatakdang pakawalan ng Philippine Superliga ang All-Filipino ConfeÂrence sa Mayo 10.
Ito ang unang pagkakataon na magsasagawa ang PSL, inorganisa ng SportsCore (Score) sa paÂngunguna ng pangulo nitong si Ramon ‘Tat’s Suzara, ang isang All-Filipino Conference.
Muling makakatuwang ng PSL ang PLDT-MyDSL sa pagsasagawa ng PSL na humihikayat ng mas maraming koponan na luÂmahok para sa dalawang komperensya ngayong seaÂson.
Magdaraos din ang PSL ng kauna-unahan niÂtong drafting sa Abril 2 kung saan huhugot ang mga koponan ng kanilang mga bagong players at ang mga hindi kasama sa protected lists ngunit may ilalabas pang laro.
Nagkasundo ang dalawang television networks -- ang Solar Sports at ang TV-5 -- para sa paghahati sa television coverage ng Superliga.
Sa paglulunsad nito noong nakaraang taon, nagsagawa ang PSL ng isang Invitational Tournament para sa mga women players.
Matapos ang mataÂgumÂÂpay na Invitational meet ay ipinakikilala naman ng Sportscore ang men’s tournament--ang PSL Grand Prix.
Ang Philippine Army Lady Troopers ang nagkampeon sa women’s Invitational at Grand prix, habang ang PLDT-MyDSL Speed Boosters ang namayani sa men’s Grand Prix.
Ang nasabing men’s tournament ang nagpasimula sa pagbuhay sa national men’s team ng bagong tatag na Philippine Volleyball Federation (PVF), pamamahalaan ang Asian Men’s Club ChamÂpionship na inihahandog ng PLDT HOME Fibr sa Abril 8-16 sa MOA Arena at sa Cuneta Astrodome.
Ang AMCC ay lalahukan ng 18 koponan sa pangunguna ng Iran.
- Latest