Agawan sa unang panalo sa pagbubukas ng D-League ngayon
MANILA, Philippines - Hanap ni Café France coach Edgar Macaraya ang tibay na dapat ay tagÂlay na ng koponan.
Ang Bakers ay isa sa anim na koponan na sasaÂlang sa aksyon sa pagbuÂbukas ngayon ng PBA D-League Foundation Cup kontra sa Derulo Accelero sa ganap na alas-10 ng umaga.
Hindi inaasahang magkakaroon ng problema ang Bakers kung samahan ng manlalaro ang pag-uusapan dahil taging ang beterano na si Rocky Acidre lamang ang baguhan sa koponan bilang kaÂpalit ni Josan Nimes na nagdesisyon na ituon ang sarili sa paghahanda ng Mapua sa NCAA.
Lumaban ang Café France sa Aspirants’ Cup at kinapos lamang sa huli para mabigong umabante sa quarterfinals.
“Hopefully, the boys have learned to believe that we are capable of winning as we have always done every conference,†pahayag ni Macaraya.
Masisipat naman ang bagong puwersa ng Boracay Rum at Jumbo Plastic na sasagupa sa magkahiwalay na laro upang makumpleto ang triple-header game.
Sina Robin Rono at Prince Caperal ay kasama na sa Waves na patuloy na ibabandera ni Chris Banchero sa pagbangga sa Cagayan Valley dakong alas-12 ng tanghali.
Ang Giants na may liÂmang baguhan ay mapapalaban sa Cebuana Lhuillier dakong alas-2 ng hapon.
Ang Blackwater Sports ang siyang nagdedepensang kampeon at kukumpletuhin ang mga kasaling koponan ng Aspirants’ Cup titlist NLEX Road Warriors, Big Chill at Hog’s Breath Café.
- Latest