Sabillo hinubaran ng korona ni Rodriguez
MANILA, Philippines - Natuluyan ang paghubad ng titulo kay WBO minimumweight champion Merlito Sabillo nang lasapin nito ang 10th round TKO pagyuko kay Francisco Rodriguez kahapon sa Arena Monterrey sa Mexico.
Humalik sa lona sa ikalawang round, natapos ang bakbakan sa tenth round nang itigil ni referee Eddie Claudio ang labanan nang hindi na nakaganti pa si Sabillo sa mga malalakas na suntok ng Mexican challenger para wakasan ang mahigit isang taong pagiging kampeon sa 105-pound division.
Nakuha ng 30-anyos na si Sabillo ang interim title noong Marso 9, 2013 nang hiritan ng TKO panalo sa eight round si Luis De La Rosa ng Colombia.
Nakadalawang matagumpay na title defense ang tubong Negros Occidental boxer pero sa huling laban kontra kay Carlos Buitrago ng Nicaragua noong Nobyembre 30, 2013 sa Smart Araneta Coliseum, sinuwerte lamang si Sabillo dahil nauwi sa split draw ang laban.
Hindi naman binigyan ni Rodriquez ng anumang pagÂÂkakataon ang dating kampeon dahil agresibo ito sa pagsisimula ng laban.
Dinomina ang first round, lalo pang nalagay sa alaÂngaÂnin ang Filipino boxer nang tumumba matapos tamaan ng malalakas na kanan.
Nagawa pa namang tumayo ni Sabillo at napaabot ang title fight hanggang sa 10th round bago bumigay na noong naipit sa lubid ng 20-anyos challenger.
Ito ang unang kabiguan ni Sabillo matapos ang 25 laÂban at mayroon ding isang tabla habang umangat sa 14-2, kasama ang 10 KOs ang baraha ni Rodriquez.
Dahil sa pagkatalo ni Sabillo, naiwan na lamang sina Donnie Nietes at John Reil Casimero bilang mga world champions ng bansa sa WBO at IBF light flyweight divisions.
- Latest