^

PSN Palaro

Ateneo, RTU batters nagparamdam agad

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpasikat agad ang mga collegiate cham­pions Ateneo at Rizal Technolo­gical University nang kunin ang unang panalo sa pag­bubukas kahapon ng PSC Commissioners’ Cup Baseball Classic sa Rizal Memorial Baseball Field.

Inulan ng back-to-back UAAP champion Eagles ang tatlong pitchers ng Dragons ng 14 hits para sa 14-4 panalo sa unang laro.

May pitong runs sa anim na hits ang ginawa ng Ateneo sa starting pitcher ng Dragons na si Pau Macasaet upang tuluyang iwanan agad ang katunggali para sa buwenamanong panalo sa Group A.

Sinaluhan sila ng SCUAA titlist RTU sa unang puwesto sa grupo nang maitakas ang 9-8 panalo sa UP sa larong umabot sa 11 innings.

Si PSC chairman Ricardo Garcia ang siyang naging panauhin sa simpleng opening ceremony sa ligang katatampukan ng 14 koponan.

 

vuukle comment

ATENEO

CUP BASEBALL CLASSIC

GROUP A

INULAN

NAGPASIKAT

PAU MACASAET

RICARDO GARCIA

RIZAL MEMORIAL BASEBALL FIELD

RIZAL TECHNOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with