Wala pang mantsa Texters pinutulan ng linya ang Bolts
MANILA, Philippines - Dumiretso ang Talk ‘N Text sa kanilang pang-limang sunod na panalo at napanatiling walang dungis ang kanilang record.
Nag-init sa third period, tinapos ng Tropang Texters ang dalawang sunod na pamamayagpag ng Meralco Bolts matapos kunin ang 91-68 panalo para patuloy na angkinin ang liderato ng 2014 PA Commissioner’s Cup kagabi sa Cuneta Astrodome sa Pasay City.
Itinaas ng Talk ‘N Text ang kanilang baraha sa 5-0 sa itaas ng San Mig Coffee (2-0), San Miguel Beer (3-1), Meralco (2-2), Rain or Shine (1-2), Barangay Ginebra (1-2), Barako Bull (1-2), Alaska (2-3) at Globalport (0-4).
Ngunit bago labanan ang Meralco ay naglatag muna ng komplikadong defensive plan si Talk ‘N Text head coach Norman Black.
“I thought today was a good example of a very good defensive effort on our part,†sabi ni Black. “The defensive game plan was very complicated going into this game because of the talent of Brian Butch.â€
Ang sinasabing defensive effort ni Black ay ang paglimita nila kina 6-foot-10 import Butch at Gary DaÂvid.
Tumapos si Butch na may 16 puntos at hindi nakaiskor sa fourth quarter, habang may 8 markers si David para sa Bolts.
Sinasabing papalitan na si Butch ni 6’8 Darnell Jackson para sa kanilang laro ng Air21 bukas sa Smart Araneta Coliseum.
Mula sa 43-33 abante sa halftime ay pinalobo ng Talk ‘N Text ang kanilang abante sa 59-40 kontra sa Meralco mula sa three-point play ni Harvey Carey sa 4:21 ng third period.
Sa ikalawang laro, tiÂnaÂpos ng Ginebra ang kaÂnilang dalawang sunod na kamalasan matapos gibain ang minamalas na GlobalÂport, 113-107.
Talk ‘N Text 91 - De OcamÂpo 15, Castro 14, FoÂnacier 14, Howell 13, Carey 11, Canaleta 9, Williams 7, Salamat 2, Baclao 2, Alapag 2, Reyes Ro. 1, Reyes Ry. 1, Aban 0, Reyes J. 0.
Meralco 68 - Butch 16, Wilson 11, David 8, Caram 5, Hugnatan 5, Mandani 5, Ildefonso 4, Hodge 4, Salvacion 3, Dillinger 3, Al-Hussaini 2, Guevarra 2, Bringas 0.
Quarterscores: 28-24; 43-33; 68-49; 91-68.
Ginebra 113--RodÂgers 33, Caguioa 15, Helterbrand 14, Tenorio 11, Aguilar 10, Baracael 9, Mamaril 7, Ellis 6, Slaughter 5, Urbiztondo 2, Reyes 1.
Globalport 107-- Brock 36, Cabagnot 16, Macapagal 14, Matias 10, Romeo 10, Washington 7, Nabong 4, Ponferrada 4, Chua 2, Garcia 2, Custodio 2, Salva 0, Salvador 0.
Quarterscores: 25-28, 53-52, 87-78, 113-107.
- Latest
- Trending